LEGAZPI CITY – Ibinida ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang tulong ng ahensya sa mga Bicolano na apektado ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ayon kay DOLE Bicol information officer Johanna Vi Gasga sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na 100% nang naibigay ang pondo ng ahensya noong Hunyo 24, 2020.
Napag-alaman na natulugang ng aabot sa P127.79 million na pondo ang nasa 245, 759 na mga empleyado sa rehiyon sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
Maliban dito umabot na rin sa 2, 645 na mga Overseas Filipino Workers ang nakatanggap ng P10,000 na ayuda matapos maapektuhan ang trabaho sa pandemic, sa ilalim ng DOLE AKAP.
Ang nasabing mga OFWs an mula pa sa 92 na mga bansa sa buong mundo.
Samantala ayon pa kay Gasga matapos magsara ang nasa 32 na establisyemento sa rehiyon dahil sa lockdown, 440 na mga empleyado rin ang nawalan ng trabaho na pinaabutan ng tulong ng ahensya.