LEGAZPI CITY – Kabuuang 916 na persons deprived of liberty (PDLs) na mga rehistradong botante ang nakatakdang boboto sa Bicol sa May 9, 2022 elections
Ayon kay Jail Officer 3 Ruth Castor ng BJMP Regional Office 5 Community Relations Service sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, maaari lamang na bumoto ang mga PDLs para sa posisyon ng pagkapangulo, pangalawang pangulo, mga senador, at party-list na kahalintulad ng absentee voting.
Kaugnay nito, 80% ng naturang bilang ay nabigyan ng court order na pinapayagang bumoto offsite o sa mismong polling precincts.
Personal din na pupunta ang Commission on Elections (Comelec) sa mismong jail facility para sa onsite voting.
Bawat polling precinct sa labas ng paslidad ay mayroong special lanes para sa mga PDLs at nakipag-ugnayan na rin sa PNP at AFP para sa dagdag na asistensya.
Ang mga PDL naman na may COVID-19 symptoms sa araw ng hahalan ay kinakailangan munang sumalang sa eksaminsyon at sumailalim sa antigen test bago bumoto.