Mahigit 670 na katao ang pinangangambahang namatay matapos ang nangyaring landslide sa isang remote region sa northern Papua New Guinuea.

Ayon sa isang UN official, nahihirapan ang mga rescuers na makahanap ng mga survivors.

Sinabi naman ni Chief of Mission for the International Organization for Migration Serhan Aktoprak, nasa mahigit 150 na kabahayan ang natabunan ng landslide.

Sa ngayon ay nasa 100 na bangkay na ang nakuha.

Tinatayang lagpas 4,000 ang populasyon sa naturang lugar.

Nasa 1,250 na indibidwal na ang lumikas na karamihan ay temporaryong nakikituloy sa mga kamag-anak.

Nag-abiso naman ang mga awtoridad na magdoble-ingat dahil patuloy pa rin ang pagguho ng lupa sa lugar.