LEGAZPI CITY – Pinigilang bumiyahe ang nasa 62 na katao sa pantalan ng Matnog sa Sorsogon dahil sa inaasahang masungit na lagay ng karagatan dulot ng Bagyong Ambo.

Kahapon pa sinuspinde ang biyahe ng mga barko patungong Allen, Northern Samar at vice versa matapos magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan ang PAGASA weather bureau.

Samantala sa ulat ng Coast Guard Station Sorsogon dakong alas-4:00 kaninang madaling-araw, naantala rin ang biyahe ang 28 trucks at isang light vehicle.

Maging ang dalawa pang barko ay pinayuhang magkubli na muna sa ligtas na lugar.

Sa ngayon, katamtamang alon pa umano ang naoobserbahan sa karagatan.