LEGAZPI CITY – Umakyat na sa 51 vote counting machines (VCMs) na pumalya sa Bicol dakong alas-5:00 ngayong hapon, Mayo 9, ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Regional Office 5.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Atty. Jas Belarmino, acting regional elections attorney kan COMELEC Bicol, nakakatanggap sila ng mga ulat mula sa election offices sa ilang setbacks sa mga makina.
Sa kabila nito, nakahanda naman umano ang kanilang 117 contingency VCMs.
Sakali kasing hindi maayos ng mga pumalyang VCM, papalitan ito ng mga naturang makina batay na rin sa nakasaad sa COMELEC Resolution 10759 sa contingency prcedures.
Minimal lamang din umano ang problemang naranasan sa SD cards sa rehiyon.
Aniya, mababa pa sa 1% ang mga problema o isyung kinakaharap sa ilang polling precincts.
Inasahan na rin umano ang mga ganitong problemang teknikal lalo pa’t matagal nang ginamit ang naturang makinarya.