LEGAZPI CITY – Umabot na sa 234 aftershocks ang naitala kasunod ng Magnitude 6.6 na lindol sa Masbate kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, nasa Magnitude 5.2 ang maximum magnitude ng aftershock.
Asahan pa rin umano ang ilan pang mahihinang pagyanig kaya’t paalala ni Solidum na huwag munang bumalik sa bahay o istruktura na hindi pa nasuri kung ligtas sa pagguho.
Alas-5:50 kaninang umaga nang maitala ang Magnitude 5.2 na aftershock sa Cataingan, Masbate.
Natukoy ito sa layong 12 km ng timog-silangang bahagi ng naturang bayan.
Tectonic in origin ang pagyanig at may lalim na anim na kilometro.