Pormal nang inanunsyo ni PNP Chief PGen Camilo Cascolan ang pag-reassign pabalik ng kanilang home towns sa nasa 2, 222 kapulisan sa isinagawang ceremonial send-off ngayong araw.
Bahagi ang naturang hakbang ng Localization of Assignments Program kung saan umaasa si Cascolan na magiging daan ang programa sa mas matagumpay na pagtupad ng trabaho sa law enforcement habang prayoridad rin na makapiling ang sariling pamilya.
Magkakasabay itong isinagawa sa lahat ng police regional offices sa bansa.
Paalala pa rin ng PNP chief ang pagsunod sa health standards at protocols sa hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.