LEGAZPI CITY- Umabot na sa higit 1,000 ang mga Locally Stranded Individuals mula sa Metro Manila na natulungang makauwi sa Albay sa ilalim ng Balik Probinsya Program.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Provincial Social Welfare and Development Office head Eva Grageda, nasa ikalawang batch na ang pagpapauwing mga LSI at naghihintay pa ng ikatlong batch.
Marami pa umano kasi ang nag-aabang na makauwi rin.
Nagpaliwanag naman si Grageda sa reklamo ng ilan na natatagalan sa muling pagbiyahe ng mga bus upang sumundo sa susunod na batch ng mga LSI.
Ayon sa opisyal, kabilang sa protocols na kaipuhan munang sumailalim sa 14 araw na quarantine sa mga pasilidad ng local government unit ang mga pinauwing LSIs.
Sa kasalukuyan, puno pa ang lahat ng mga quarantine facility kaya’t hindi na muna pinapauwi ang ibang LSIs na hindi pa kayang ma-accomodate ng kanilang mga pasilidad.
Dahil dito, panawagan na lamang ni Grageda na maghintay na lamang dahil kailangan ring masunod ang health protocols upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease.