LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng “highest single-day cases” ang Bicol matapos na pumalo sa 85 ang naitalang nagpositibo sa coronavirus disease.

Bunsod nito, sumampa na sa 915 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Bicol.

Batay sa inilabas na pahayan ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol dakong alas-9:00 ngayong araw, mula pa sa Eastern Visayas Regional COVID-19 Testing Center (EVRCTC) ang resulta.

Una nang nagpaliwanag ang DOH Bicol sa backlogs sa pag-uulat ng lumulubong kaso kaya’t nakipag-ugnayan sa naturang testing center.

Mula pa noong Agosto 17, nasa higit 600 samples na ang ipinadala sa EVRCTC habang nasa 509 test results na ang ibinaba kagabi, Agosto 19.

Kaagapay ng DOH Bicol sa pagproseso ng mga specimens ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Bicol at Philippine Air Force Tactical Operations Group 5 sa mabilis na biyahe ng mga samples.

Kabilang sa mga panibagong nagpositibo ang 35 mula sa Camarines Sur, 17 sa Naga City, 22 sa Albay, walo sa Sorsogon at tatlo sa Catanduanes.

Breakdown ng 85 mga bagong kaso:

𝐀𝐋𝐁𝐀𝐘
Legazpi City – 13
Daraga – 5
Camalig – 1
Malinao – 1
Oas – 1
Pio Duran – 1

𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐒𝐔𝐑
Baao – 23
Pili – 5
Iriga City – 4
Bula – 1
Calabanga – 1
Nabua -1

𝐍𝐀𝐆𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 – 17
𝐂𝐀𝐓𝐀𝐍𝐃𝐔𝐀𝐍𝐄𝐒
Bato – 1
San Andres – 1
Virac – 1

𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍
Matnog – 4
Pilar – 3
Sta. Magdalena – 1