LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni C/Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office (APPO) na nakatanggap ng restricted order mula Camp Crame ang hepe ng Legazpi PNP.
Ayon kay Gomez, kasalukuyang mino-monitor ngayon si P/Supt. Nilo Berdin at ang tatlo pang mga pulis kaugnay ng alegasyon na nalabag ng isa sa mga tauhan nito ang Anti-Torture Act matapos na saktan umano ang isang bilanggo.
Sa ngayon ay hindi pa malaman kung ilang araw o buwan na mananatili ang opsisyal sa Albay PPO kung saan nasa piskalya na ang kaso nito subalit pending pa ang resolusyon.
Dagdag pa ng opisyal na kung makakapasok sa command reponsibility, posibleng makasuhan si Berdin subalit binigyang diin nito na sa administravive ito kakasuhan at hindi criminal case dahil hindi naman ito direktang sangkot sa insidente.
Nag-ugat ang kaso ng magreklamo umano ang pamilya ng hindi na pinangalanang bilanggo na sinaktan siya ng isang pulis ngunit ng humingi umano ito ng tulong sa mga kasamanag pulis ay hindi ito pinansin kung kaya nadamay ang dalawang iba pa sa nabigyang ng restricted order.
Samantala, mayroon na ring tatlong pangalan na pinagpipilian ngayon kung sino ang pansamantalang uupo bilang officer in charge sa nasabing hepatura.20
Kung babalikan, kakaupo pa lamang nitong Lunes ni C/Supt. Antonio Gardiola Jr. bilang regional director ng Police Regional Office 5 subalit malaking hamon kaagad ang sumalubong sa kanya.