LEGAZPI CITY – Nag-iikot ngayon ang Philippine Fiber Industry Development Authority sa Catanduanes upang tulongan ang mga magsasakang apektado ang mga pananim ng sakit na dulot ng bunchy top virus.
Karaniwan itong tumatama sa puno ng saging na agad na nakakamatay kung mapapabayaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bert Lusuegro ang Provincial Fiber Officer ng Philippine Fiber Industry Development Authority Catanduanes, nasa 2,000 na ektarya na ng taniman ng abaca ang naapektohan ng sakit.
Sa bayan pa lamang ng Gigmoto ay nasa 17% na ng mga pananim ang tinamaan.
Wala pa namang gamot para sa bunchy top virus kung kaya manu-manong pagtanggap sa mga apektadong puno ang nakikitang solusyon upang maalis ang bunchy top virus.
Sa kabila nito, tiniyak naman niLusuegro na kontrolado pa ang sitwasyon at wala pa namang malaking epekto ang sakit sa produksyon ng abaca sa lalawigan.