LEGAZPI CITY – Mahigpit na inabisuhan ng state weather bureau ang mga residente ng lalawigan ng Catanduanes na paghandaang mabuti ang mas malala pang epekto ng El Niño sa island province.
Ito ay matapos na makapagtala ng mataas na heat index ang lugar na umabot ang temperatura sa 47 degrees celsius.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Catanduanes weather specialist Jun Pantino, nakararanas na ngayon ng dry spell ang lalawigan kung saan apektado na ang mga pananim at pinagkukunan ng suplay ng tubig.
Ayon kay Pantino, namonitor na ang pagkatuyo partikular na ng mga sakahan at pagbaba ng lebel ng tubig sa mga irigasyon at pinagkukununan ng maiinom.
Ikinaalarma na mas lumala pa ang sitwasyon dahil hindi inaalis ang posibilidad na umabot pa sa 50 degrees celcius ang heat index na maranasan sa lalawigan.
Aniya marami na ang mga apektadong magsasaka na humihingi na ng tulong upang hindi masayang ang mga pananim.
Gumagawa na rin umano ng hakbang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes upang matulungan ang mga apektadong magsasaka at residente ng epekto ng El Niño.
Ang bahagi ng pahayag ni Catanduanes weather specialist Jun Pantino