LEGAZPI CITY – Idi-deploy sa lalawigan ng Masbate ang nasa 462 contingents ng kapulisan, ayon sa Police Regional Office 5.
Pinamumunuan ni PCol. Rodolfo Castil Jr., deputy regional director for Operations ng PRO5, ang Regional Special Operations Task Group.
Bahagi ang hakbang sa commitment ng PNP sa maayos at mapayapang halalang sa Mayo 2022.
Layon ding mapangalagaan ang karapatan ng mga kababayan sa pagboto ng nais na iluklok na pinuno.
Samantala sa implementasyon ng gun ban, nasa 19 na paglabag ang naitala mula Enero 9 hanggang Marso 20 kung saan 23 katao ang naaresto.
Nasa 24 iba’t ibang armas din ang nakumpiska at may siyam nai-turn in ng anim na indibidwal para sa safekeeping.
Una nang naglunsad ang pulisya sa Bicol ng joint PNP-COMELEC checkpoints sa iba’t ibang estratehikong lugar sa pagtitiyak ng seguridad ng publiko.