LEGAZPI CITY – Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) Bicol na maabot ang target na bilang ng mga botante para sa 2022 elections.
Ito ay matapos tumaas sa halos 40% ang bilang ng mga nagpaparehistrong kwalipikadong botante ngayong buwa
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay COMELEC Bicol Director Atty. Ma. Juana Valeza, nadagdagan ng 1,000 ang bilang ng mga naitatalang nagpaparehistro kung saan mula sa dating 2,600 kada isang araw ay umakyat sa halos 3,800.
Resulta aniya ito ng massive campaign ng tanggapan at mas pinalakas na satellite registration sa mga barangay.
Malaking ambag rin aniya ang isinagawang tatlong araw na pamimigay ng freebies sa pagdami ng mga nagparehistrong botante.