LEGAZPI CITY- Naapektuhan ang kabuuang produksyon ng Abaca sa probinsya ng Catanduanes dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon dala ng Low Pressure Area, Shearline at ng Amihan.
Ayon kay Roberto Lusuegro, Provincial Fiber Officer ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA)-Catanduanes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, halos 13,000 sa 14,000 na mga abaca farmers at abaca strippers ang pansamantalang nawalan ng hanapbuhay.
Hindi umano nakapagtatanim at nakapagha-harvest dahil sa madulas ang daan mula sa ilang linggo nang pag-uulan.
Maliban rito, malaking problema rin angkawalan ng sapat na init ng araw dahil hindi nabiblad ang mga abaca.
Samantala, umaasa si Lusugero na matutuloy na ang revitalization upang makapag-replant na sa mga taniman na naapektuhan ng nagdaan pang bagyong Rolly.
Sa ngayon, may paparating umanong subsidy mula sa Department of Agriculture na nagkakahalagang P69-milyon, ngunit nilinaw naman ng PhilFIDA na may ayuda man o wala, patuloy pa ring nagtatanim ang mga abaca farmers dahil ito ang basic commodity sa lugar.
Kung dumating bman umano ang nasabing tulong mula sa agriculture department, posibleng hati-hatiin ito at makatanggap tig- P2,000 libo ang mga magsasaka at dagdag na mga kagamitan tulad ng sprayer.
Maliban dito ay inaabangan din ng mga abaca farmers ang P20-milyon na pondo na ipinangako ng Department of Labor and Employment bilang partner agency sa rehabilitasyon ng mga abaca farm.