
Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng isang guwardiya na kanilang binu-bully sa Cebu City.
Ayon sa imbestigasyon, ilang beses nang binu-bully ng mga biktima ang suspek.
Matagal na raw siyang nagtitiis at pinipigilan ang sarili ngunit nang mga panahong iyon, dumilim na ang kanyang paningin at nagawa na niya ang krimen.
Samantala, itinanggi ng asawa ng isa sa mga biktima na binu-bully ng kanyang asawa ang guwardiya.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at mahaharap sa kaukulang kaso.










