LEGAZPI CITY-Nai-report ang gunshot malapit sa White House sa United States, ayon sa ilang media sources.

Ito ay sa gitna ng taping ng isang mamamahayag kung saan narinig umano ang ilang sunod na pagpaputok ng baril malapit sa White House North Lawn.

Ayon sa U.S. Secret Service Office of Communications, sa isang post sa social media na nakarating sa kanila ang tungkol sa report ng gunfire malapit sa 17th Street at Pennsylvania Avenue NW.

Sinisikap na rin na kunan ng kaukulang impormasyon ng ahensya ang mga personnel na nasa lugar.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-beripika ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente

Nagtipon na ang mga kapulisan sa palibot ng White House matapos ang mga ulat ng putok ng baril, ayon sa mga ulat.

Naiulat na rin na nasa White House umano si US President Donald Trump habang inaayos ang pakikipag-negosasyon para sa isang kasunduan sa Iran.