LEGAZPI CITY – Naglabas ng resolusyon ang Albay Chamber of Commerce and Industry na hiling na irekonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbabalik ng Enhanced Community Quarantine dahil sa coronavirus pandemic.
Nakiisa si ACCI President Rose Rey sa mga nagsasabing hindi pa handa ang Albay sa GCQ.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rey, sinabi nito na batid naman ang malaking epekto ng polisiya sa negosyo subalit mas nais na tutukan ang health risk na dala ng desisyon.
Maliban pa rito, marami pang guidelines ang dapat na icomply.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi pinagbabawalan ang ibang establisyemento na magbukas na subalit istriktong implementasyon lang ang pakiusap.
Hindi rin umano madali ang new normal kaya’t dapat na paunti-unti lang ang galaw.