LEGAZPI CITY – Ikinalungkot ng grupo ng mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Amihan Chairperson Zen Soriano, umaabot na sa P75 hanggang P80 ang magandang uri ng bigas habang nasa P55 hanggang P60 ang pinakamura.
Wala na umanong makikitang tig-P38 sa merkado na indikasyon na posibleng mas tumaas pa ang presyo nito.
Binigyang diin ni Soriano na resulta ito ng kawalan ng kontrol ng gobierno sa presyuhan ng mga produktong agrikultural kaya buwelo ang mga negosyante.
Kasabay pa ang pagdepende ng bansa sa pag-angkat imbes na palakasin at suportahan ang lokal na industriya.
Pinuna rin nito ang nangyayaring bangayan ngayon ng mga opisyales ng gobyerno kung saan mas tinututukan pa ang mag pansariling intetes kesa tugunan ang kinakaharap na problema ng bansa.
Partikular na rito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.