LEGAZPI CITY – Nakukulangan ang grupo ng mga magsasaka sa tig-P3,000 na fuel subsidy na planong ipamigay ng gobyerno.
na rito, inanunsyo ng Department of Agriculture ang paglalaan ng P510 milyon para sa fuel subsidy program na magbebenipisyo sa nasa 160,000 na mga magsasaka sa bansa.
Subalit sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Cathy Estavillo ang tagapagsalita ng grupong Bantay Bigas, hindi fuel subsidy ang kailangan ng mga magsasaka kundi sapat na suporta upang mapalakas ang kanilang produksyon.
Imbes na ipamigay ang P510 milyon na budget mas maganda umano kung gagamitin na lamang ito sa pagpapatayo ng mga post harvest facilities upang may mapag-imbakan at hindi nabubulok ang mga ani ng magsasaka.
Hiling din ni Estavillo ang dagdag na suporta para sa patubig, fertilizers at magandang klase ng binhi ng palay upang maparami ang ani.
Binigyang diin pa ni Estavillo na posibleng ginagamit lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang fuel subsidy program upang makapagpapogi lalo na ngayong papalapit na naman ang kanyang State of the Nation Adress na nakatakdang isagawa sa Hulyo 22.