LEGAZPI CITY- Ikinababahala ng grupo ng mga magsasaka ang payulot na paglobo ng pangangailangan ng Pilipinas na mag-angkat ng bigas.
Nangangahulugan umano ito na hindi na nakakahabol ang produksyon ng bansa kasabay ng paglaki ng pangangailangan ng mga Pilipino sa bigas kaya nagkakaroo ng epekto sa presyo ng bigas.
Ayon kay Federation of Free Farmers National Manager Raul Montemayor sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang inaangkat ng bansa ay hindi na lamang naka dependa sa kasalukuyang kakulangan dahil binuksan na ang merkado ng bansa para sa importasyon.
Nangangahulugan lamang aniya ito ng pagbaha ng mga imported na bigas kahit pa sobra na sa kasalukuyang pangangailangan.
Ayon sa kalkulasyon ng naturang grupo na nasa 3 million metric tons hanggang 3.5 million metric tons lamang ang pangangailangan ng Pilipinas sa bansa kaya itinutuing na kalabisan na ang 4.2 million metric tons na sinasabi ng United States Department of Agriculture na aangkatin ng Pilipinas sa taong 2025.
Dagdag pa ni Montemayor na kung darating ang panahon na mas mura na ang imported rice ay mapipilitan na rin ang local rice na magbaba ng presyo subalit siguradong apektado nito ang presyuhan ng palay.
Samantala, isa pa sa mga sinisisi ng grupo sa pagbaba ng local rice production ay ang epekto ng El NiƱo phenomenon.