LEGAZPI CITY- Hati ang opinyon ng grupo ng mga magsasaka sa panukala na ibalik ang mandato at kapangyarihan ng National Food Authority sa pagbebenta ng bigas sa merkado.

Ayon kay Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kinakailangan na pag-aralan ng mabuti ang hakbang upang hindi maapektuhan ang mga lokal na magsasaka.

Matatandaan kasi na hindi naging epektibo ang ipinatupad na tariff reduction upang mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.

Paliwanag ng opisyal na malaki ang natipid ng mga importers sa pagbabayad ng taripa subalit hindi naman binabaan ang presyo ng bigas na ibiinebenta sa mga pamilihan.

Ayon kay Montemayor na kung sa mga Kadiwa centers lamang magbebenta ng bihas ang National Food Authority ay hindi ito magiging epektibo dahil magiging palugi ang pagbebenta sa mababang halaga.

Kung magiging malawak naman ang pagbebenta ng bigas ng tanggapan, naniniwala ang opisyal na posibleng bumagsak rin ang presyo ng palay na makaka apekto naman sa mga lokal na magsasaka.

Dahil dito ay nanawagan ang opisyal na pag-aralan ng mabuti ang hakbang bago ipatupad upang maramdaman naman ng mga consumers ang epekto nito.