LEGAZPI CITY – Nanawagan ang grupo ng mga kababaihan na ibasura na ang Anti-Terror law matapos ang halos apat na taong pagpapatupad nito magmula noong 2024.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Nica Ombao ang regional coordinator ng Gabriela Bicol, sa nakalipas na mga taon hindi naman nakatulong ang batas subalit mas nakasama pa sa mga naghihirap na sektor na nagpapahayag ng pagkontra sa gobyerno.
Ayon kay Ombao, maraming probisyon sa batas ang lumalabag sa freedom of association and speech ng mga Pilipino.
Binigyang diin rin ni Ombao na karamihan sa mga nahuhuli ay mga mahihirap na sumasama sa kilos protesta laban sa gobyerno.
Dahil dito, panawagan ng Gabriela kasama ang iba pang mga grupo ang pag-amiyenda o tuloyan ng pagbasura sa batas na lumalabag umano sa konstitusyon