LEGAZPI CITY – Tutol ang grupo ng mga guro sa Grupo sa pagdadagdag ng Bagong Pilipinas Hymm at Pledge sa flag raising ceremony sa mga paaralan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Vladimer Quetua ang Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers, bawas oras lamang sa klase at pagtuturo ang bagong Hymm at Pledge na ipinag-utos ng gobyerno.
Imbes na maagang masimulan ang klase pagkatapos ng Lupang Hinirang at Panatang Makabayan mas napapahaba pa tuloy iyo.
Kwenistiyon rin ng grupo kung ano ang dahilan ng pagdadagdag ng Bagong Pilipinas Hymm at Pledge lalo’t hindi naman nito isinusulong ang pagiging makabayan ng mga Pilipino.
Imbes na magpatupad ng ganitong mga pagbabago, panawagan ng Alliance of Concerned Teachers na tutokan na lamang ang problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon kagaya ng kawalan ng klasrum, libro, computer at mga guro.