LEGAZPI CITY- Inasahan na umano ng grupo ng mga guro ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Department of Education Secretary.
Ayon kay Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakikita nilang tagilid na nag political situation ng UniTeam na binubuo nina Vice President Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isa pa sa mga nakikirang rason ng grupo ay ang batuhan ng pasaring ng kampo ng Marcos administration at mga tagasuporta ng bise presidente.
Sa kanila nito ay nanindigan ang grupo na hindi dapat madadamay ang Department of Education at buong sektor ng edukasyon sa anumang isyu sa politika.
Samantala, sinabi ni Basas na kun pipili si Pangulong Marcos ng bagong DepEd secretary ay kinakailangan na hindi ito direktang aktibo sa politika.
Paliwanag nito na dapat pumili ng isang indibidwal na magaling sa pag-manage ng trabaho sa sektor ng edukasyon at dapat na isang guro dahil ito ang mas nakaka unawa sa sitwasyon ng mga mag-aaral at guro.