LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng fun run ang grupo ng mga guro para sa panawagan ng dagdag sahod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Vladimer Quetua ang Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers, tinawag ang aktibidad na “Takbo Para sa Omento” na isinagawa sa University of the Philippines.
Sabay-sabay na tumakbo ang mga guro na mula pa sa ibat ibang mga paaralan at unibersidad bitbit ang panawagan sa gobyerno na mapataas ang kanilang sahod.
Ayon kay Quetua, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin ay halos hindi na sumasapat ang sahod ng mga guro.
Panawagan rin ng grupo na matugonan ang matagal ng hinaing ng mga guro at mag-aaral sa kakulangan ng mga gamit at maayos na pasilidad sa mga paaralan.