LEGAZPI CITY—Nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta kontra korapsyon ang isang grupo ng mga guro gayundin upang ipanawagan ang dagdag na taasan suweldo ng kanilang sektor sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day.
Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, gaganapin ang aktibidad ngayong araw ng Linggo, Oktubre 5, alas-11 ng umaga, sa Rajah Sulayman Park Malate, Maynila.
Dalawa aniya ang kanilang panawagan para sa protesta, kabilang na ang wakasan ang talamak na korapsyon sa bansa at ang patuloy na panawagan para sa pagtaas ng sahod ng mga guro.
Binigyang-diin din ni Basas na ang pagdiriwang ng World Teacher’s Day ay bahagi ng pag-alala sa kahalagahan ng mga guro sa lipunan.
Gayundin upang kilalanin ang kanilang mga karapatan at maibigay ang nararapat na tulong ng pamahalaan para sa mga guro sa buong bansa.
Samantala, ayon pa sa opisyal na inaasahang nasa 200 guro ang lalahok sa naturang aktibidad.