LEGAZPI CITY- Nagpahayag ng pagkontra ang grupo ng mga guro sa panibagong direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay sa flag ceremonies ang pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn at Pledge.
Maalala na sakop ng naturang kautusan ang lahat ng mga national government agencies at mga state Universities and Colleges.
Ayon kay Teachers Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi nila nakikita ang pangangailangan sa implementasyon ng naturang kautusan.
Lumalabas kasi aniya na tila propaganda lamang ang kautusan.
Paliwanag ng opisyal na sa kasalukuyan ay mahaba na ang mga flag raising ceremonies kung saan inaawit ang Lupang Hinirang, panunumpa sa watawat, mga local hymns at school hyms.
Ayon kay Basas na kung ipapatupad pa sa mga paaralan ang naturang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge ay siguradong apektado na nito ang oras para sa unang subject ng mga estudyante.