LEGAZPI CITY- Inihahanda na ng Albay veterinary office ang nasa 800 na ipapamahaging chicken grower para sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever sa bayan ng Tiwi, Albay.
Ayon kay Albay veterinarian Dr. Pancho Mella sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa kasalukuyan ay nasa procurement process na ang ipapamigay na manok sa nasa 83 na mga magbababoy sa naturang bayan.
Matatandaan kasi na ipinagbabawal pa sa ngayon ang pag-aalaga ng baboy sa ilang mga lugar na nakapagtala ng ASF kaya naisipan ng provincial government na magbigay ng livelihood assistance sa pamamagitan ng pag-aalaga ng native chicken.
Dagdag pa ng opisyal na sumailalim sa training ang mga benificiaries noong Hunyo 14 upang malaman ang mga basic infomation sa pagpaparami ng naturang mga manok.
Makakatanggap ang kada hog raiser ng 10 chicken grower kung saan walo sa mga ito ay babae habang dalawa naman ang lalaki.
Bago nito ay una ng nagbigay ng rice assistance ang lalawigan ng Albay kung saan nakatanggap ang mga benepisyaryo ng tig-isang sakong bigas.
Maging ang lokal na pamahalaan ay nakapagbigay na rin ng financial assistance.