
LEGAZPI CITY – Isang grass fire ang kasalukuyang nangyari ngayong gabi, December 3, 2025, sa isang lugar na sakop ng Brgy. Lamba, Legazpi City.
Ayon sa isang residente, nagsimula umano ang sunog bandang alas singko ng gabi.
Samantala, nagtulong-tulong na ang aabot sa 7 fire trucks ng BFP Legazpi, isang Legazpi Chinese Filipino Volunteer Fire Brigade, at 911 Emergency Patrol at kasalukuyang may dumadating pa upang maapula ang nangyayaring sunog.










