A jeepney driver was arrested after a complaint was filed that he raped a Grade 3 pupil in Rizal Avenue, Brgy. 210, Tondo, Manila.

Arestado ang isang jeepney driver matapos magreklamo ng panggagahasa ang isang Grade 3 pupil sa Rizal Avenue, Brgy. 210, Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Jimboy Briones, 43 anyos, ng Brgy. Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan arestado matapos mag-backtrack sa CCTV.

Ayon sa biktimang si alyas Ria, 9, tinakot siya na papatayin ng suspek nang tumanggi itong tanggapin ang perang inaalok sa kanya at dinala siya sa isang madilim na lugar, hinalikan hanggang sa ginahasa.

Nang hanapin ng kanyang ina ang biktima at nang suriin ang CCTV records, huling nakita ang suspek kasama ang bata.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad hanggang sa maaresto ang suspek.

Kinasuhan siya ng paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) at paglabag sa RA 11648 (An Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse and Increasing the Age for Determining the Commission of Statutory Rape).