LEGAZPI CITY- Dead on the spot ang isang barangay official matapos na pagbabarilin sa Brgy. Tinapian, Baleno, Masbate.

Kinilala ang biktiman na si Barangay Kagawad Noli Licup, 56-anyos na residente ng Brgy. Docol ng naturang bayan.

Sa impormasyon mula sa kapulisan, napag-alaman na habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo mula sa Brgy. Poblacion patungong Barangay Docol, Baleno nang harangin ng mga suspek sa pinangyarihan ng insidente at pinagbabaril ng ilang beses sa likod.

Nagresulta ito sa agarang pagkamatay ng biktima.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungong Aroroy, Masbate.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala para sa caliber 45 na baril.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa RHU Baleno para sa post-mortem examination.

Nagsagawa na ng follow-up investigation ang mga otoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.