LEGAZPI CITY- Walang ibinigay na timeline ang Department of Budget and Management sa pagpapalabas ng midyear bonus na nagsimula noong Mayo 15, sinabit sinabi ng tanggapan na dapat na nai-proseso na ito lalo pa at naipalabas na ang pondo sa mga ahensya.

Ayon kay DBM Director of the Organization, Position Classification, and Compensation Bureau Gerald Janda sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na katumbas ng isang buwan na sahod ng mga civilian personnel, regular, temporary, contractual at casual employee gayundin ang mga uniformed personnel.

Ang mga manggagawa naman na may poor performance rating ay hindi na rin umano makakatanggap ng naturang bonus.

Samantala, nilinaw ni Janda na ang mga government employees at uniformed personnel na may mga pending cases at wala pang pinak na desisyon at entitled man sa nasabing bonus.

Subalit kung lalabas umano ang pasya sa mga kasong kinakaharap ng mga ito ngayong taon at suspensyon ang matatanggap na hatol ng empleyado ay kinakailangang i-refund ang midyear bonus.

Kung sakali naman na na-reprimand ang isang manggagawa bilang penalidad sa kinakaharap na kaso ay hindi na oobligahin pang i-refund ang naturang bonus.