Suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region ngayong araw, Hulyo 24, 2024.
Ito ay dahil pa rin sa malakas na mga pag-ulan na dulot ng southwest monsoon at ng bagyong Carina.
Sa kabila nito ay pinayuhan naman ang mga tanggapan na naghahatid ng pangunaging mga serbisyong pangkalusugan at mga disaster offices na magpatuloy sa kanilang operasyon.
Ito ay upang masigurong matutugunan ang pangangailangan ng publiko.
Samantala ipinapasakamay na lamang sa mga namumuno sa mga pribadong kumpanya ang pagpapatupad ng suspensyon sa kanilang trabaho.