LEGAZPI CITY-Binigyang diin ng isang Propesor na mahalagang sumailalim sa gender sensitivity training ang ilang mga public officials kasunod ng sensitibong mga isyu sa kababaihan.
Ayon kay Kontra Daya Convenor Professor Danilo Arao, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na dapat lamang na i-criticize ang mga opisyal na ito dahil hindi nila nalalaman ang tungkol sa gender sensitivity at ang pagiging disenteng tao lalo pa’t pundamental ang isyung ito.
Sinabi pa niya na dapat produkto ng ethics at dapat mahusay na role model ang mga opisyal at empleyado ng gobiyerno dahil sila ay naihalal ng publiko.
Ipinahayag din niya na hindi pa satisfactory ang public apology ni Rep. Bong Suntay gayundin dapat na ma-review ang lisensya ni Atty. Ferdinand Topacio kung saan maituturing na walang lugar sa peryodismo ang kanyang mga pahayag.
Aniya, isa rin itong paalala sa mga botante na piliin ang karakter ng kanilang iboboto sa darating na halalan.
Dagdag pa ni Arao na mahalagang isailalim sa gender sensitivity training ang pampublikong opisyal at dapat palawakin pa ang VAWC o ang Anti-Violence Against Women and Children Act bilang paalala na dapat walang ginagawang masama sa mga kababaihan, mga bata, at marami pang sektor ng lipunan.










