Despite the rain, PNP chief Nicolas Torre III continued jogging at the PNP oval on Friday morning, July 25. This was in connection with Davao City acting Mayor Baste Duterte's challenge to fight him — something the police chief accepted and invited him for a 'charity boxing match' last Sunday.

Sa kabila ng ulan, patuloy pa rin ang pag-jogging ni PNP chief Nicolas Torre III sa PNP oval nitong Biyernes ng umaga, July 25.

Ito ay kaugnay ng hamon ni Davao City acting Mayor Baste Duterte na labanan siya —isang bagay na sinagot at inimbitahan ng hepe ng pulisya para sa isang ‘charity boxing match’ noong Linggo.

Habang nagte-training si Torre kahapon, sinabi rin nitong nakahanda na ang ring sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Inilatag ni Baste ang kanyang mga kondisyon at sinabing dapat munang magsailalim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hair follicle drug test.

Sinabi ni Baste na lahat ng mga halal na opisyal ay dapat ding sumailalim sa drug testing; at kung makumbinsi ni Torre si Marcos na utusan ito, tatanggapin niya ang hamon para sa boksing.

Sa ngalan ng Palasyo, naghatid ng mensaheng “Good Luck” si Palace Press Officer Claire Castro sakaling matuloy ang laban.