LEGAZPI CITY – Hiling ng isang transport group ang malinaw na polisiya kaugnay sa pag-ban ng mga tricyle at pedicabs sa mga national highways bilang bahagi ng road clearing operations.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay National Public Transport Coalition President Ariel Lim, hangad ng pamahalaan ang fully implementation ng naturang deriktiba subalit wala namang konkretong plano.
Ayon kay Lim, hindi kontrra ang grupo sa naturang kautusan subalit ang problema ay saan dadaan ang mga tricyle at pedicabs driver na naghahanapbuhay.
Lalot pa’t karamihan aniya ng mga establisyemento ay nasa gili ng national highway tulad ng mga simbahan, paaralan, ospital at iba pa.
Dahil dito, hiling ng grupo na bigyan ng sariling lane ang naturang mga pampasaherong sasakyan kung gustong maghigpit sa naturang kautusan.
Sa katunayan, inamin ni Lim na wala na silang kinikita dahil mayroon ng mga motorcyle taxi at ang nakakalungkot pa ay lilimitahan na ang kanilang ruta.
Panawagan ni Lim na bigyang solusyon at pag-usapan ng mabuti ang naturang hakbang dahil siguradong marami ang maapektuhan.
Matatandang muling ipinanawagan ni Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr ang muling paghihigpit dahil marami na umano na local governmen units ang nabigong ipatupad ang inisyu na Memoramdum Circular dahilan upang magresulta sa buhol-buhol na trapiko.