Legazpi City- Makalipas ang sunod-sunod na linggo na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, rollback naman ang posibleng asahan ng mga motorista sa darating na Martes.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Bureau Assistant Director Rodelo Romero, na ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.
Tinatayang aabot naman sa P0.50 to P0.75 ang rollback sa presyo ng Gasolina, P1.00 to P1.15 sa Diesel habang P0.90 to P1.00 sa kerosene.
Ayon pa kay Romero na ilan sa unaasahang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang de-escalation ng tensyon sa Middle East, posibleng crude supply surplus sa unang na parte ng 2025, mahinang ekonomiya ng China, at inaasahan din na paghina ng konsumo sa krudo sa 2025 dahil sa vehicle efficiency upgrade.
Samantala kung babalikan umabot sa P2.60 per liter ang itinaas sa presyo ng gasolina, P2.70 per liter sa diesel, at P2.60 per liter sa kerosene na kung saan sobra itong nakaapekto sa kita ng mga drivers sa bansa.