LEGAZPI CITY – Mahigit sa 4,000 na mga residente at mga estudyante sa Barangay Gogon, Legazpi City ang mabibigyan ng access sa libreng wifi.
Ito ay matapos na ilunsad ang ‘Free Wifi’ project ng Barangay Council katuwang ang LGU Legazpi at Department of Communications Technology (DICT) sa Kalayaan Park, isa sa mga dinarayong pasyalan sa lugar.
Isa sa mga layunin ng nasabing proyekto ay mabigyan ng access sa libreng wifi and mga residente, lalo na ang mga estudyante, sa paggawa ng kanilang mga aralin at iba pang online activities.
Matutulungan rin aniya nito ang mga professionals na makakatipid sa mga load.
Ang nasabing free wifi ay kayang abutin ang buong Kalayaan Park na may sukat na nasa 1.3 hektarya at maaaring makapag-access ang bawat indibidwal ng hanggang 4 na oras lamang.
Mayroon namang apat na routers na inilagay mula sa park hanggang sa Barangay hall upang mas malayo ang maabot nito.
Samantala, upang masiguro naman ang kaligtasan ng mga residente ay nagpapatupad ng curfew hours ang Barangay kung saan hanggang alas 10:00 lamang pwedeng lumabas ang mga residente.