LEGAZPI CITY-Sinabi ni dating Representative France Castro na isang ‘welcome move’ para sa Makabayan Bloc ang pagkakatalaga ni Remulla bilang bagong Ombudsman.

Ayon kay dating Representative France Castro, mataas ang inaasahan kay Remulla bilang bagong Ombudsman ng mamamayan at para sa Makabayan Bloc lalo pa’t matagal nang naghihintay ng accountability at transparency ang mga ito.


Idinagdag ni Castro na kailangang managot din ang Vice President Sara sa hindi maipaliwanag na confidential funds.


Ang Ombudsman ang tunay na piskal na namamahala sa graft and corruption, lifestyle, at pagbubukas ng SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth na trabaho ng Ombudsman.


Aniya, makabubuti na magtrabaho ng maayos ang Ombudsman lalo na sa isyu ng flood control projects.


Dagdag pa niya, kapag nagtatrabaho ang Ombudsman, makikita agad kung sino ang mananagot sa katiwalian sa mga proyekto.


Kung totoo aniya, ang sinasabi ni Remulla ang ikatutuwa ito ng mga tao dahil umaasa silang may gagawin ang opisyal.


Sinabi ni Castro na kailangang patunayan ni Remulla ang kanyang “pronouncement” at pwede niya nang gamitin ang mga testimonya sa pagdinig bilang ebidensya.


Inaasahan din ni Castro na dodoblehin ng bagong Ombudsman ang kanyang trabaho dahil maraming nakabinbing kaso ang isusumite sa kanya.


Samantala, sinabi ng opisyal na dapat na makikita ng Korte Suprema na managot si VP Sara at hahayaan ang Senado na mag-impeach at tumugon sa mosyon tungkol dito.


Sinabi pa ni Castro na umaasa siya na kung tapat ang bagong Ombudsman sa kanyang trabaho at hindi natutulog sa pansitan sa kanyang pamumuno, posibleng makita ang resulta at panagutin sa gobyerno ang mga sangkot sa katiwalian.