LEGAZPI CITY—Isinagawa ang forced evacuation sa mga apektadong residente ng Barangay Masarawag, Guinobatan Albay matapos bahain ang lugar dahil sa sama ng panahon.
Ayon kay Guinobatan Municipal Police Station Chief of Police Police Lieutenant Colonel Arthur Tagtag Jr., sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, inilikas ang mga residente sa evacuation center sa Barangay Mauraro ng nasabing bayan.
Dagdag pa ni Tagtag, karamihan sa mga binabahang lugar sa Barangay Masarawag kapag masama ang panahon ay ang Purok 4, 5, 6 at 8.
Ayon sa opisyal, patuloy rin ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente tulad ng pagbibigay ng seguridad at paghikayat sa mga ito na lumikas.
Samantala, idineklara rin na not passable sa mga motorista ang kalsada ng nasabing barangay.