LEGAZPI CITY-Ipinapatupad sa kasalukuyan ang flood control project sa Barangay Masawarag Guinobatan Albay, kung saan nakaranas ng pagbabaha hanggang tuhod an mga residente noong Agosto 13, na puminsala sa ilang purok sa nasabing lugar.


Ayon kay Kagawad Romollo Llona, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ikinagulat ng mga residente ang malakas na pagbaha sa purok 4 at purok 8 kung saan halos marami ang naapektuhan.


Nagkaroon ng pagbaha sa lugar mula sa kanilang covered court hanggang sa mga sakahan, kung saan nakikita nilang rason ang mga daanan ng tubig sa itaas na bahagi ng Barangay.


Dagdag pa ni Kagawad Llona, mayroon ding flood control project sa bahagi ng purok 3 ngunit sa ngayon ay hindi pa ito natatapos.


Maganda aniya ang pagkakagawa ng proyekto ng Department of Public Works and Highways ngunit hindi pa rin nito napipigilan ang pagbaha sa kanilang barangay.


Dagdag pa ng opisyal, matagal nang nakararanas ng pagbaha ang mga residente tuwing tag-ulan na panahon.


Samantala, nakatakda rin na bumisita si Albay Governor Noel Rosal para pag-usapan ang paghahanap ng ng sanhi ng pagbaha at solusyon sa problema sa kanilang lugar.


Inaabisuhan din ng opisyal ang mga residente na maging alerto dahil sa matinding pagbaha sa kanilang lugar sakaling bumuhos ang malakas na ulan.