LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng 10.74% na pagbaba sa fisheries production sa rehiyong Bicol simula Enero 2025 hanggang Disyembre 2025.
Ayon kay Philippine Statistics Authority Bicol Focal Person Vlademir Peraja sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mula sa 123, 420 metric tons na produksyon ng isda noong 2024 ay bumaba ito sa 110, 161 noong 2025.
Paliwanag ng opisyal na bumaba ang kabuuang produksyon kung saan ang commercial fisheries ay nakapagtala ng 0.72% na pagbaba, ang municipal production ay bumaba rin ng 9.01%, habang ang inland municipal fisheries ay bumaba ng 23.76% at ang pinakamaling factor ay ang aquaculture na nakapagtala ng 51.57% na pagbaba.
Tinitingnan na ang pagbaba sa aquaculture production ay dulot ng paghina ng seaweeds production dahil umano sa pabago bago at masamang lagay ng panahon sa rehiyon.
Samantala, sinabi ni Peraja na maraming mga pagkakataon na hinahabol ng mga mangingisda kung saan ang mataas ang presyuhan.
Aniya, kung saan mas mahal ang presyo ay doon ina-unload ang mga huling isda.











