Bahagi na ng Philippine Coast Guard Auxiliary si First Lady Liza Marcos kung saan mismong si PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo ang nagbigay ng honorary rank sa unang ginang.

Sa isang pahayag, sinabi ni First Lady Marcos na nais niyang mga-inspire ang mga kalalakihan at kababaihan ng organisasyon na gawin ang kanilang tungkulin sa bansa.

“I join the PCG to inspire the men women of the organization as they fulfill its duty to the country,” ayon sa unang ginang.

Samatala, pinangunahan naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang donning ceremony.

Dumalo rin sa aktibidad si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista at ang anak nito na si Vincent Marcos.

Pinasalamatan naman ni Rear Admiral Balilo ang Philippine Coast Guard sa mahalagang papel na ginagampanan nito sa pagprotekta sa West Philippine Sea.