Nabigo si wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa target na podium finish matapos magtapos sa ika-walong pwesto sa men’s 400m-T52 event sa 2024 Paris Paralympics.

Nagtapos ito sa finals na may oras na 1:04.55.

Sa kabila nito ay hindi pa tapos ang kampanya ni Mangliwan sa Paris 2024 Paralympics dahil lalaban pa ito sa 100m – T52 sa Setyembre 6.

Nasungkit ni Maxime Carabin ng Belgium ang gold medal sa men’s 400m-T52 event matapos makapagtala ng 55.10 seconds.

Si Tomoki Sato naman ng Japan ang nakasungkit ng silver medal na may 56.26 at nagtapos si Tomoya Ito sa oras na 1:01.08 upang makuha ang bronze medal.