LEGAZPI CITY- Inaabangan na ng basketball fans sa buong mundo ang pagtatapatan ng Dallas Mavericks at Boston Celtics sa Game 1 ng NBA Finals.

Ayon sa projection ng international referee na si Bong Pascual sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tila mas lamang umano ang Boston sa one-on-one play.

Tila makakatulong rin umano sa Boston ang malawak na karanasan ng mga players nito sa NBA finals kumpar sa Dallas na karamihan sa mga players ay baguhan pa lamang sa finals.

Magiging malaking hamon umano sa Mavericks kung anong diskarte ang ipapatupad upang mapigilan ang mga Boston stars na sanay sa one-on-one play.

Paliwanag ni Pascual na si Dallas star Luka Dončić ay mas maasahan sa outside shooting at perimeter shots kumpara sa dikitang laban.