LEGAZPI CITY- Labis ang kaligayahan ng mga Pilipino matapos ang panalo ni Filipina tennis sensation Alex Eala sa 2026 Mubadala DC Open.
Ito matapos niyang talunin si Jessica Pegula at mai-uwi ang pinakamalaking titulo sa kanyang karera.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Surdo Salanap, pinagbibigkis ni Eala ang mga Pilipino saan mang panig ng mundo at nagiging dahilan ang naturang atleta upang magkaisa ang lahat.
Nawawala umano ang pagkakaiba sa paniniwala at political color dahil nagkakasundo ang lahat sa pagsuporta sa naturang atleta na patuloy na nagdadala ng karangalan sa bansa.
Kwento nito na tinatayang halos 75% hanggang 85% ng mga audience sa naturang laro ay mga Pilipino at mga tagahanga ni Eala.
Dagdag pa ni Salanap na hindi ininda ng mga Pilipino ang mahal na ticket upang suportahan ang Pinay tennis star.











