LEGAZPI CITY- Aminado si Mar Valbuena, presidente ng transport group na Manibela na amalaki ang maitutulong ng fare discount na ibibigay sa mga komyuter bilang subsidiya.

Ngunit ayon kan Valbuena sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, wala pang malinaw na guidelines sa magiging implemetasyon o kung kailan ito ipapatupad.

Umaasa naman ang grupo na ngayong darationg na mga araw ay maipalabas na ang guidelines upang maging malinaw sa mga pasahero o sa mga jeepney driver ang magiging diskwento sa pamasahe.

Maliban sa implementasyon malabo rin umano ang ang instruksyon na susundin dahil hindi pa malaman kung lahat ng mga driver ay kasabay sa nasabing mga magbibigay ng fare discount.

Posible umanong na magresulta ito sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga driver at ng mga komyuter.

Dagdag pa ni Valbuena, sa kabila ng nagbabawas nang presyo ng produktong petrolyo, “bond-aid solution” lamang ang pagbibigay ng diskwento partikular na kung temporaryo langito.

Samantala hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang grupo sa Memorandum Cicular at Executive Order mula kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr patungkol sa napagkasunduan na extension ng implementasyon ng jeepney modernization program sa nakaraang dayalogo sa Malacañang.

Ayon sa grupo sakaling hindi magpalabas ng inaantay na mga papel at dokumento posibleng magkaroon muli ng gulo at panibagong pangangalampag sa gobyerno.

Sa kabilang dako, nagpaabot ng pasasalamat si Valbuena sa mga jeepney driver sa probinsya ng Albay na sumali sa isinagawang tigil-pasada bilang protesta sa jeepney phaseout