LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard-Masbate na negatibo pa hanggang ngayon ang isinasagawang paghahanap sa lalaking tumalon sa dagat habang sakay ng roro vessel na MV Don Eduardo nitong nagdaang Undas.

Napag-alaman na bandang ala-1:30 ng hapon, Nobyembre 1 nang umalis sa pantalan ng Masbate City ang naturang barko patungo sa Pio Duran port sa Albay, ngunit alas-4 na ng hapon ng mapansin ng asawa ng 29-anyos na lalaki na wala na ito sa barko.

Matapos na i-review ang video sa CCTV nakita at nakumpirmang tumalin ito sa dagat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Coast Guard Petty Officer 1st Class Saldy B. Bañaria ng Coast Guard Masbate, ika-apat na araw na ngayon ng isinasagawang search and rescue operations sa karagatang bahagi ng San Miguel Island, Monreal sa Masbate kung saan nagtutulungan na ang Coast Guard personnels at myembro ng iba’t-ibang mga ahensya.

Sa ngayon tinitingnan ang posibilidad na dahil sa direksyon ng hanging-amihan posibleng dinala ang lalaki sa karagatan o sa coastal areas ng sMainlad Masbate, partikular na sa bayan ng Baleno o sa Aroroy.

Nakaalerto na ang Philippine Coast Guard at nakikipag-ugnayan sa mga mangingisda, sakali aniayang may makakita o may ideya kung saan napadpad ang natuang lalaki, ay agad na ipag-bigay alam sa kanilang opisina.

Samatala hindi pa malaman ang buong kwento sa insidente ngunit tinitingnan ang inisyal na anggulo kung saan diumano’y may problema sa pamilyang kinakaharap ang lalaki na nagtulak dito upang tumalon mula sa barko.