LEGAZPI CITY – Naitala ang tatlong pagyanig sa Bulkang Mayon sa nakalipas na mga oras, batay sa inilabas na latest volcano bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan rin ang kaunting banaag o crater glow sa tuktok ng bulkan
Nasa katamtaman na puting usok naman ang inilabas ng Mayon na patungo sa west-southwest na direksyon.
Samantala, nasa higit 300 tonelada sa bawat araw ang ibinubugang asupre ng bulkan base sa pinakahuling pagsukat nito.
May ilang bahagi ng bulkan ang nakitaan ng pamamaga partikular na sa datos mula sa electronic tilt at Global Positioning System (GPS).
Abiso pa rin ang tuloy-tuloy na pag-iingat lalo pa’t nasa Alert Level 2 status pa ang naturang bulkan.